It's Showtime
Facebook
Twitter
WhatsApp
Telegram
Pinterest
Email

It's Showtime

/ 10 | 12m | Philippines
2026 | Reality
Mula sa iconic na “Jumbo Hotdog” at “Sana Mama” na minsang nagpaindak sa buong nation, nagbabalik to flex their muscles and new single ang grupong Masculados. Grateful ang grupo na makabalik at mabigyan ng pagkakataong ipagpatuloy ang kanilang musika. Hindi lang ganda ang puhunan, dapat may wit na panlaban. Dahil bawat tanong, kailangang may sagot na papalakpakan ng buong bayan. Kaya naghanda ng matitinding linyahan ang mga Miss Q and A candidates na nagharapan. Ready magbigay ng tutorial sa ganda at talino ang online tutor na si Precious Alden Ganaden, habang mula pageant coaching ay siya naman ngayon ang sasabak sa sariling laban, si MJ Apin Salada. Naaliw naman ang Madlang People, pati na si Vice Ganda, sa kakaibang dictionary ni Ivanach. Sa second round na Wit Lang, sina MJ at Ivanach ang nagharap. Sinubok si Ivanach sa tanong na, “Kung lechon ka, mao-offend ka ba kung balat lang ang habol sa ’yo samantalang full package ka naman?” Si MJ naman, napaisip kunngmagtatampo ba ang king cobra kung hindi siya ang king of the jungle. Ayusin ang display at siguraduhing kumpleto ang stocks at siguruhing available ang swerte. Mula sa pag-aasikaso ng mga produktong mabenta, saglit munang iniwan ng mga merchandisers mula NCR ang kanilang puwesto para subukang i-checkout ang POT money sa “Laro Laro Pick." Kinilala ng hosts si player Frank, ang loving hubby and addy na baon sa utang. Kaya naman si Tyang Amy Perez, to the rescue bitbit ang payo niyang wais. Love life naman ang usapan nang kanilang lapitan si pplayer Yong, na dinamayan ng hosts matapos malamang hiwalay na sila ng kanyang girlfriend. Kay Frank talaga napunta ang swerte dahil siya ang umabot sa Jackpot Round! Pero imbes na isugal ang lahat para sa ₱450,000 POT, pinili niyang tanggapin ang ₱35,000 Li-Pot offer para may siguradong maipambayad sa kanyang maraming utang. #LakasMoShowtime #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

You Might Also Like